The Real View

July 14th, 2011

Liwanag, Panahon, Pakiramdam

Posted by morynot on 01:41 AM on July 14, 2011.

Umagang umaga, badtrip agad.

Medyo mahirap yung paulit ulit na pagpapaliwanag sa mga bagay. Lalo na kung inaasahan mong alam na 'nung pinagpapaliwanagan mo yung ipinapaliwanag mo.

Liwanag.

Ang liwanag masyado ng mundo ngayon (Literal to). Masakit sa mata. Panahon ng tag-ulan ngayon ngunit araw araw kong suot ang antiparang madilim. Ano na bang talaga ang nangyayari sa mundo? Tuluyan na bang babaligtad ang lahat ng nakagisnan ng sangkatauhan na pagkilos ng panahon?

Panahon.

Andami pang panahon para gawin ang lahat ng nais kong magawa sa tanang buhay ko. Subalit sa kabilang banda, nawala nang lahat ng panahon na dati rati ay mayroon ako. Anim na araw sa isang linggo ay naririto ako, at tuwing sabado nang gabi na lamang ako may oras para magliwaliw. Ganito pala ang pakiramdam. Bagaman nagrereklamo ako sa kawalan ng oras, hindi ko naman maikakaila na ako'y masaya sa aking trabaho at sa dala nitong mga pagsubok. 

Pakiramdam.

Makiramdam ka naman sana. Kadalasan, maraming masasagot ang paggamit ng sentido comun ng isang tao. Katawa-tawa kung ikaw mismo na nagsasabing matatas ang isipan mo ay walang sentido comun. Nadadaan ang lahat ng suliranin sa  pagiisip, kung hindi ka tinatamad.

"Kung ang pagiisip para sayo'y nakakangawit, ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit."
-The Bobo Song / Gloc9 

Add a Comment

morynot requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.